August 15, 2013

17 Hottest Male Models in the Philippines According to Megastyle.ph

Ito na yata ang pinaka HOTNESS post ko! Tatalunin yata nito ang David Beckham takbo video post. Ito na talaga ang ultimate pampagising sa natutulog na laman. For sure beckies out there will gonna love this, haha and girls too.

Last August 1, Megastyle.ph ay naglabas ng sariling list ng mga hottest male models in the country. “Like MEGA Magazine, Megastyle.ph makes sure that the very best and latest of Philippine fashion and style are given recognition. The fashion industry is composed not only of designers and style icons, but also of photographers, stylists, artists, and models and all of them greatly contribute to the evolution of local fashion.” – Cat TraviƱo.

Ihanda na ang sarili mga bakla! Ito na! haha Enjoy.

1. Brent Javier – For sure kilala mo na sya. Matagal na siya sa industriya at tila wala pa ring kupas ang kagwapuhan nya. Di ba? Alam mo yan. Basahin nyo yung mga sinasabi nila about sa jeans na love nila.



2. Bruno – Hindi ko masyado kilala siya, siguro nakikita ko na sya during fashion week, hindi ko lang pinapansin, haha. Snob ang peg.


3. Callum David – model and DJ. Sobrang bet ko talaga ang face nito. Grabe. Kakaloka si CALLUM. Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Ewan ko ba at hindi kami pinagtatagpo, haha.


4. Hideo Muraoka – For sure lagi mo syang nakikita. Kambal lahi yan ni Fabio Ide at Daniel Matsunaga. Isa sa mga male na laging nasa print ad, TVC at fashion show. Ngayon SM Mens Fashion ang latest.


5. Mark McMahon – Ito naman suki sa magazine print ad at editorial.


6. Marx Topacio – Isa pa ito, suki ng local TVC. Very pinoy ang features ng model na ito, which something different from the usual Brazilian models ngayon.


7. Osny Fernandez -  Ah Brazilian model sya, yun lang ang alam ko sa kanya. Hindi ako na inform na existing pala siya.


8. Rafael do Prado –Suki ng mga TV ads lately. Umuusbong na ang career nito, kasi naman bongga ang face talaga. Parang prinsipe lang.


9. Renan Corbani – Bet ko talaga yung white shirt, very classic at basic. haha T-shirt nya talaga ang usapan. Wala lang, maiba lang.


10. Sam Adjani – Half Pinoy at Iranian yata siya, haha hindi ko sure. Tinatamad na ako mag Google pa, kayo  na lang. Basta ang alam ko in demand siya ngayon sa billboard ad at TVC.


11. Tommy Esguerra - Sorry wala ako ma i kwento  tungkol sa kanya. 


12. Vince Ferraren -  The gentle giant. Very young at super tangkad lang talaga niya. One of Bench Body 's endorser.


13. William Nunes – ay ganda ng pose niya dito. haha. Sandal sa pader ang drama niya. Freshness.


14. June Macasaet – isa pa ito, very Pinoy ang physique. Isa sa winner ng Century Tuna Superbod contest.


15. Rodrigo Fernandez – Brazilian ba siya? Ang dami na nila talaga dito sa Pinas.


16. Sky Yang - Maiba naman, Asian invasion naman ngayon.


17. Adryan Hanson – ay bet ko ang pouty lips nito, for sure kayo din.


Ay nasaan si Daniel Matsunaga? haha

Anyways, there you have it, the hottest male model according to Mega. So, sino ang bet mo? Let me know.

All photos are courtesy of Megastyle.ph


Bye Bye

Bye Bye