August 15, 2013

17 Hottest Male Models in the Philippines According to Megastyle.ph

Ito na yata ang pinaka HOTNESS post ko! Tatalunin yata nito ang David Beckham takbo video post. Ito na talaga ang ultimate pampagising sa natutulog na laman. For sure beckies out there will gonna love this, haha and girls too.

Last August 1, Megastyle.ph ay naglabas ng sariling list ng mga hottest male models in the country. “Like MEGA Magazine, Megastyle.ph makes sure that the very best and latest of Philippine fashion and style are given recognition. The fashion industry is composed not only of designers and style icons, but also of photographers, stylists, artists, and models and all of them greatly contribute to the evolution of local fashion.” – Cat TraviƱo.

Ihanda na ang sarili mga bakla! Ito na! haha Enjoy.

1. Brent Javier – For sure kilala mo na sya. Matagal na siya sa industriya at tila wala pa ring kupas ang kagwapuhan nya. Di ba? Alam mo yan. Basahin nyo yung mga sinasabi nila about sa jeans na love nila.



2. Bruno – Hindi ko masyado kilala siya, siguro nakikita ko na sya during fashion week, hindi ko lang pinapansin, haha. Snob ang peg.


3. Callum David – model and DJ. Sobrang bet ko talaga ang face nito. Grabe. Kakaloka si CALLUM. Pero hindi ko pa siya nakikita in person. Ewan ko ba at hindi kami pinagtatagpo, haha.


4. Hideo Muraoka – For sure lagi mo syang nakikita. Kambal lahi yan ni Fabio Ide at Daniel Matsunaga. Isa sa mga male na laging nasa print ad, TVC at fashion show. Ngayon SM Mens Fashion ang latest.


5. Mark McMahon – Ito naman suki sa magazine print ad at editorial.


6. Marx Topacio – Isa pa ito, suki ng local TVC. Very pinoy ang features ng model na ito, which something different from the usual Brazilian models ngayon.


7. Osny Fernandez -  Ah Brazilian model sya, yun lang ang alam ko sa kanya. Hindi ako na inform na existing pala siya.


8. Rafael do Prado –Suki ng mga TV ads lately. Umuusbong na ang career nito, kasi naman bongga ang face talaga. Parang prinsipe lang.


9. Renan Corbani – Bet ko talaga yung white shirt, very classic at basic. haha T-shirt nya talaga ang usapan. Wala lang, maiba lang.


10. Sam Adjani – Half Pinoy at Iranian yata siya, haha hindi ko sure. Tinatamad na ako mag Google pa, kayo  na lang. Basta ang alam ko in demand siya ngayon sa billboard ad at TVC.


11. Tommy Esguerra - Sorry wala ako ma i kwento  tungkol sa kanya. 


12. Vince Ferraren -  The gentle giant. Very young at super tangkad lang talaga niya. One of Bench Body 's endorser.


13. William Nunes – ay ganda ng pose niya dito. haha. Sandal sa pader ang drama niya. Freshness.


14. June Macasaet – isa pa ito, very Pinoy ang physique. Isa sa winner ng Century Tuna Superbod contest.


15. Rodrigo Fernandez – Brazilian ba siya? Ang dami na nila talaga dito sa Pinas.


16. Sky Yang - Maiba naman, Asian invasion naman ngayon.


17. Adryan Hanson – ay bet ko ang pouty lips nito, for sure kayo din.


Ay nasaan si Daniel Matsunaga? haha

Anyways, there you have it, the hottest male model according to Mega. So, sino ang bet mo? Let me know.

All photos are courtesy of Megastyle.ph


August 14, 2013

Birthday Celebrante

Late post. Sorry, kasi wala na akong internet connection. Nakikisagap na lang ako sa kapitbahay, haha. Kaya i-feel niyo na lang na nangyari ito last week.

July is one of the month na bongga when it comes sa birthday celebration. Sadyang marami sa mga friends ko ang pinanganak sa buwan na ito. Kaya never naging boring ang July dahil sa pakain galore. Pero August na di ba? Pano dapat last Sunday pa ang treat ng lola mo, sa kasamaang palad, hindi daw pwede ang iba dahil sa kung ano anong personal keme, including jowa day ang Sunday. Kaya Joan decided to have a post birthday treat.

SAM_1258

Joan, ang celebrante at manlilibre. Busy ang lola mo sa pagte text ng ibang ateng para sa pakain galore. At ako naman todo isyoso sa lola mo. haha.

SAM_1257

Hindi lang naman ako ang usisero, si Madam Archie din. haha.

SAM_1254

SAM_1259

Syempre hindi papahuli si Madam Ruel. Ang lusog na ni Madam. haha

Minsan lang mangyari ang ganitong pagsasama namin. Ang hirap na kasi tipunin ang ibang ateng dahil sa mga kanya kanyang keme nga. Pero kaming mga tatlo, Chie, Ruel and I ang laging present sa happening.

SAM_1260

Choosy ni Madam, at serious naman si Ruel. Parang hindi nasisiyahan ah o talagang gutom lang.

SAM_1264

Photo opt while waiting for Donna to arrive na galing pa daw sa Manila. Tagal ni Mareng Donna ah.

SAM_1266

Yehey! Andyan na si Mareng Donna, instant di ba? haha Lumipad yata sya. Sobrang busy nyan, kahit Sunday nagawa pang mag review. Dahil dumating na siya start na ng lamunan.

SAM_1268

Group shot. Ayan todo na yan. Madami na kami nya sa lagay na yan. Thanks kay Kuya for the taking the photo. (Hindi ko ma remember name niya, haha).

SAM_1272

Pampagana! Hindi na talaga mapigil. Nag paa na ang Madam niyo. Keme na daw. haha.

SAM_1273

Kagulo scene. Nagkakagulo ang mga lola mo sa pag order ng dessert. Kanya kanya kami ng pili sa dessert, kanya kanya din ang bayad syempre. Tapos, sabi ni Kuya malaki daw ang serving ng mga dessert, kaya we decided to change the order. From original five dessert, nauwi sa dalawang variety. Yung gustong kong Banana Split nauwi sa ibang dessert. huhu. Takam na takam pa naman ako sa Banana Split. huhu talaga.

SAM_1278

Banana Peach Surprise. Ang laki nga ng serving nila for dessert, good for five na ito, basta hindi lamon ang gagawin ah. Masarap naman siya. Pwede na.

SAM_1280

Marble Brownie a la Monde. Masarap yung cherry. Cherry talaga? haha. Medyo kaumay lang sya, dahil sa cookie. Sana mapait pa ng konti yung cookie. Yung tipong dark chocolate. haha Choosy pa akels talaga. haha.

SAM_1283

Minsan talaga kailangan sa buhay nating mga busy people ang makita ang mga friends para makausap at makatawanan. Sila kasi ang medyo nakakaintindi sa mga kabaliwan mo sa buhay. Of course yung parents mo pwede mo rin makausap. Pero iba pa rin ang dulot na saya kapag kasama ang friends. Di ba? Kaya dapat take time to be with them. Try to go out once in a while, kahit kain lang jan sa tabi tabi. May masabihan ka man lang ng hinaing mo sa buhay at para maging bongga lalo ang life mo. Kaya push mo yang plano nyo. Salamat nga pala sa nag iisang sosyal na si Joan. Saya ng Birthday blowout mo ateng, kaloka! haha. Till next time mga friends. Next week na ata yun? haha Linggo linggo talaga? Ubos anda natin niyan. Haha. Excite na ako sa susunod na rampa. Excited na ako sa pasabog ni Ateng Donna sa kanyang pakain.

“Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart” – Eleanor Roosevelt


Bye Bye

Bye Bye